2 holdaper na parak, timbog
Dinakma ng kanilang kabaro ang dalawang pulis na diumano’y responsable sa serye ng panghoholdap sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang mga suspect na sina PO2 Faustino Centeno, 39, nakatalaga sa MPD-District Mobile Patrol Unit at PO3 Joey Ricardo, 41.
Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ng arestuhin ang dalawa sa panulukan ng Regina Regente at Soler Sts., Binondo, sa Maynila.
Nabatid na inireklamo ng Chinese Community ang dalawa na sangkot diumano sa serye ng holdapan sa Binondo.
Bukod sa reklamo ng Chinese community, inginuso rin ang dalawa ng pedicab driver na sangkot umano sa panghoholdap sa lugar at nakasuot pa umano ng uniporme.
Dinakip ang dalawa habang nakasuot ng uniporme at nabuko din sa interogasyon na si Ricardo ay hindi na aktibong pulis habang si Centeno ay walang maipakitang dokumento o clearance sa bitbit nabaril.
- Latest
- Trending