Dayuhang sasali sa rali, ipade-deport ng BI

Nagbabala kahapon ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan na lumahok sa kilos-protesta laban sa gobyerno na ma­aari silang ipatapon pa­la­bas ng bansa dahil sa pag­labag sa immigration law.

Ito ang muling iginiit ka­hapon ni Immigration Com­missioner Marcelino Liba­nan, matapos na ma­kita ng mga awtoridad ang mga da­yuhang aktibista na miyembro ng mga militan­teng grupo na lumahok sa rally para sa global forum on migration development sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kama­kalawa.

Maaari umanong hindi alam ng mga dayuhan na pwede kaagad silang ipa­tapon pabalik ng kanilang bansa kapag patuloy silang lumahok sa mga kilos-pro­testa. Nagbabala rin si Liba­nan sa mga da­yuhan na huwag abusuhin ang pagi­ging “hospitable” ng mga Pinoy at ang ka­ni­lang mga pribilehiyo sa bansa.

Sa sandali umanong dumating ang isang turista sa bansa at lumahok sa anu­mang uri ng demons­tras­yon ay mali­naw na pag­labag sa kon­dis­yon sa pa­na­natili nila dito sa bansa bilang mga tem­porary visitors.

Nakuhanan din ng mga television stations at naka­panayam ang mga dayu­hang lumahok sa kilos-pro­testa laban sa forum on migration kung saan luma­hok dito ang may ilang libong foreign labor mi­nisters at iba pang digni­taries mula sa 151 na bansa. (Gemma Amargo-Garcia at Ellen Fernando)

Show comments