Umaabot sa 200 special permits ang naipalabas ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) para sa mga Metro Manila bus na nais pumasada sa mga probinsiya sa panahon ng Undas.
Ayon kay LTFRB Chairman Thompson Lantion, ang special permits ay naglalayong madagdagan ang bilang ng mga unit ng bus na papasada sa mga probinsiya sa panahon na inaasahang dadagsa ang bilang ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan.
“Ang mga bus sa Metro Manila ay gustong bumiyahe sa mga probinsiya ngayong Undas para sa inaasahang dami ng pasahero kaya naman po sila ay aming binibigyan ng special permit oras na sila ay nag-aplay para sa special permit,” pahayag ni Lantion.
Umaabot sa P50 ang halaga ng bawat special permit. (Angie dela Cruz)