^

Metro

Naningil ng utang, tinarakan

-

Saksak ng punyal ang na­kuhang bayad ng isang 53-anyos na mister sa kanyang kapitbahay na sinisingil nito sa pagkakautang, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Muntinlupa Medical Center ang biktimang si Selvino Malate ng Pulong Silangan, Poblacion ng nasabing lungsod dahil sa ma­lalim na saksak sa dibdib nito na tumagos sa kanyang puso.

Kasalukuyan namang pi­nag­hahanap ng pulisya ang suspect na si Rudy Florante, kapitbahay ng biktima na agad na tumakas matapos ang ginawang krimen.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Ronnie Tamondong ng Station Investigation and De­tective Management Section (IDMS), dakong alas-8 ng gabi nang mangyari ang insidente makaraang matiyempuhan ng biktima ang suspect sa natu­rang lugar kung kaya’t agad na siningil ng una ang huli sa   utang na P3,000 na hindi umano nababayaran nito sa mahigit na tatlong buwan.

Imbes na pera naman ang ilabas ay isang pa­talim ang ipinambayad ng sus­pect sa biktima na agad niyang tinara­kan sa dibdib hanggang sa masawi. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

MANAGEMENT SECTION

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA MEDICAL CENTER

PULONG SILANGAN

RONNIE TAMONDONG

ROSE TAMAYO-TESORO

RUDY FLORANTE

SELVINO MALATE

SHY

STATION INVESTIGATION AND DE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with