^

Metro

Opisyal ng city hall tambak ang bodyguard

-

Bagama’t may direk­tiba si Manila Police District Director Chief Supt. Ro­berto Rosales na mag­bawas ng pulis sa mga field of operations nito ka­bilang na sa Manila City Hall, patuloy pa rin ang pag­kakaroon ng tambak na pulis na bodyguards at escorts ng isang opisyal ng Manila City Hall.

Lumilitaw na nakatang­gap ng direktiba noong unang linggo ng Oktubre ang Manila City Hall- District Special Project Unit na naglalayong bawasan ang pulis na nakatalaga sa iba’t ibang field of operations nito bilang bahagi ng pag­titipid ng kapulisan.

Ngunit batay sa isang impormasyon at pagsisi­yasat, lumilitaw na ang tang­gapan ng Office of the Deputy Mayor ang siyang nagtataglay ng sobrang dami ng bodyguards o escort na umaabot sa anim katao kabilang na ang mobile police car na laging kabuntot nito.

Batay sa talaan ng Manila City Hall Internal Security and Reaction Unit, tila dinaig pa umano ni Deputy Mayor Joey Silva si Manila Mayor Alfredo Lim sa pagkaka­roon ng security na may­roon lamang dalawang visible na escorts, gayundin si Manila Vice Mayor Isko Moreno na mayroong la­mang dalawa.

Napag-alaman na si Silva ay merong tatlong close-in security bukod pa sa mobile patrol car na may body number na 315. Lulan din ng nasabing patrol car ang tatlo pang pulis na nagsisilbi rin bilang seguridad ni Silva.

Posible aniyang personal na ni-request ni Silva ang mobile patrol car at ang mga patrol police na lulan nito.

Kadalasan umanong pinapayagan ang gani­tong sitwasyon kung may pag­babanta sa buhay ng isang opisyal ng pama­ha­laan tulad ng nangyaring bigong pagpatay kay Secretary to the Mayor Ra­faelito Garayblas. (Doris Franche)

DEPUTY MAYOR

DISTRICT SPECIAL PROJECT UNIT

DORIS FRANCHE

ISKO MORENO

JOEY SILVA

MANILA

MANILA CITY HALL

MANILA CITY HALL INTERNAL SECURITY AND REACTION UNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with