^

Metro

2 parak itinumba

-

Dalawang pulis ang nasawi sa dalawang mag­kahiwalay na karahasan sa Caloocan City kahapon.

Nauna rito, isang pulis na miyembro ng Special Weapon and Tactics ang nasawi nang bugbugin at hatawin ng bakal sa ulo ng ilang lalake sa Camarin, Caloocan City ka­hapon ng madaling-araw.

Namatay habang gi­nagamot sa FEU hospital ang biktimang si SPO1 Ricardo Agacel.

Nakatakas naman ang mga suspek na sina Danny Natividad, 30, ng Zapote Road at dalawang kasama nito na nakilala lang sa mga alyas na Aldrin at Louie.

Base sa ulat, alas-3:15 ng madaling-araw, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang madaanan nito ang mga suspek na nambabato ng bote sa kalsada sa tapat ng Ce­buana KTV bar sa Durian St., Zapote Road, Camarin.

Sinita ng biktima ang mga suspek at nagpaki­lalang pulis subalit pinag­tulungan siyang bugbugin ng mga ito kung saan isa sa mga ito ang pumalo ng tubo sa ulo ng una.

Samantala, isang opis­yal ng pulisya na si Insp. Pete Leslie Quiros, 42, na nakatalaga sa Camp Oli­vas sa Pam­panga, ang nasawi nang pagbabarilin ng isang ka­pit­bahay niyang uma­no’y retiradong pulis na si Cezar Santos at anak nitong si Carlito sa May­pajo, Calo­o­can City kaha­pon ng umaga.

Nadakip si Santos pero nakatakas ang anak nito. Nabatid na pinag­babaril umano ng mag-ama ang biktima nang sitahin nito ang pagdadala nila ng armas. (Lordeth Bonilla)

CALOOCAN CITY

CAMP OLI

CEZAR SANTOS

DANNY NATIVIDAD

DURIAN ST.

LORDETH BONILLA

PETE LESLIE QUIROS

RICARDO AGACEL

SHY

ZAPOTE ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with