^

Metro

Bride-to-be kinaladkad nang 500 metro, dedo

-

Kalunus-lunos na ka­matayan ang natamo ng isang babae nang maka­ladkad nang may 500 metro ng isang rumara­gasang kotse na unang nakabunggo sa sinasak­yang motorsiklo ng biktima at ng nobyo nito kahapon ng madaling-araw sa Que­zon City.

Agad na nasawi ang biktimang si Karen Ca­ñete, nasa legal na edad, ha­bang ginagamot na­man sa pagamutan ang kasin­ta­han nitong inisyal na na­kilalang si Kim de Leon.

Naganap ang aksi­dente dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa pa­nu­lukan ng Tomas Mo­rato Ave­nue­ sa Barangay Ka­muning ng naturang lung­sod.

Nakasakay sa isang motorsiklo ang mag­ka­sin­tahan nang bang­gain sila ng isang itim na Ford Focus. Ayon sa mga saksi, kapwa tumilapon mula sa motor ang dalawa ngunit mas minalas na sumabit ang damit ni Cañete sa kotse sanhi upang mapa­ilalim at makaladkad ito ng may 500 metro.

Sa halip na huminto, nagpatuloy sa pagtakbo ang nakabanggang kotse hanggang sa tuluyang makatakas. Kasalukuyan ngayong nangangalap ng impormasyon ang mga imbestigador upang maba­tid ang plaka ng naturang sasakyan para makilala ang may-ari nito.

Ayon pa sa imbesti­gasyon, nakatakda na sanang magpakasal ang magkasintahan sa susu­nod na taon ngunit hindi na matutuloy dahil sa trahed­yang naganap. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BARANGAY KA

DANILO GARCIA

FORD FOCUS

KAREN CA

KASALUKUYAN

NAGANAP

NAKASAKAY

SHY

TOMAS MO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with