^

Metro

Sanggol natusta sa sunog

-

Halos uling na nang matagpuan ang bangkay ng isang 11-buwang sanggol na babae matapos na matupok ito sa sunog dahil sa napabayaang nakasinding   kandila, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Kinilala ng pulisya ang nasawing baby na si Jean Michelle Rey na nakatakda na sanang magdaos ng kanyang unang kaarawan sa mga susunod na linggo.

Batay sa imbestigasyon ng Las Piñas City Fire Pro­tection Investigation Unit, dakong alas-6 ng gabi nang magsimula ang sunog sa 29 Phase 5, BF-Martin Village, Brgy. Manuyo 2, ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na bago naganap ang sunog, unang iniwanan umano ni Liza Villa, ina ng biktima sa bahay ng kanyang pinsan ang huli para bumili sa palengke ng lulutuing hapunan. Habang naglalakad pauwi ng kanilang bahay, napuna umano ng ginang na nagkakagulo ang mga residente ka­sabay ng makapal na usok sa lugar ng kanyang pinsan.

Bunga nito ay agad niya umanong tinungo ang naglalagablab na bahay ng kanyang pinsan upang iligtas ang kanyang anak. Dala naman ng patuloy na pag­kalat at paglaki ng apoy, nawalan na umano ang ginang ng pag-asa na mailigtas ang anak kung saan narinig pa umano nito ang malakas na palahaw ng sanggol na tila humihingi ng tulong.

“Gusto ko siyang iligtas pero wala na akong magawa. Gusto ko siyang mabuhay ulit,” umiiyak na pahayag ng ginang.

Samantala, isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng pulisya hinggil sa nasabing insidente kung saan una ng hininala ng mga arson inves­tigator na isang napabayaang kandila ang naging sanhi ng sunog na tumupok sa naturang bahay at ikinamatay naman ng nabanggit na sanggol.(Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BATAY

BRGY

CITY FIRE PRO

INVESTIGATION UNIT

JEAN MICHELLE REY

LAS PI

LIZA VILLA

MARTIN VILLAGE

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with