^

Metro

Call center binulabog ng bomb threat

-

Nabulabog ang tinata­yang 1,000 empleyado ng isang call center matapos na makatanggap ng su­nud-sunod na text mes­sages ang isang kawani ka­ugnay ng nakatakdang pagsabog ng isang bomba na naka­lagay sa nasabing guasali at nakatakdang su­mabog kahapon ng mada­ling-araw sa Mandaluyong City.

Ayon kay SPO4 De­metrio Marero, team leader ng Eastern Police District-Explosive Ordnance Divi­sion (EPD-EOD), isang tawag ang kanilang na­tang­­gap dakong alas-11 ng gabi kamakalawa mula sa pamunuan ng Accenture Call Center na matatag­puan sa Cybergate Tower II sa kanto ng Pioneer St at EDSA Brgy. Ilaya Ibaba ng nasabing lungsod na pasasabugin umano ang nasabing gusali.

Nabatid na sunud-sunod na text messages ang natanggap ni Corazon Moscaso, site lead ma­nager ng nasabing call center na dakong alas- 12:30 ng madaling araw ay may sasabog na bomba sa locker room ng 22nd floor ng nasabing gusali kung saan nandoon ang ka­nilang kompanya.

Agad na rumesponde ang puwersa ng EPD at Special Weapons and Tac­tics (SWAT) ng Mandalu­yong police kasama ang limang K-9 dogs at maayos na pinababa ang mga empleyado ng nasabing call center at saka hina­lug­hog ang nasabing gusali su­balit negatibo ang re­sulta nito at walang na­kuhang bomba makalipas ang ilang oras na pagha­hanap. (Edwin Balasa)

ACCENTURE CALL CENTER

CORAZON MOSCASO

CYBERGATE TOWER

EASTERN POLICE DISTRICT-EXPLOSIVE ORDNANCE DIVI

EDWIN BALASA

ILAYA IBABA

MANDALUYONG CITY

NASABING

PIONEER ST

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with