^

Metro

3 toneladang 'hot meat' nasabat

- Angie dela Cruz, Danilo Garcia -

Nagbabala kahapon ang Quezon City Police District at Quezon City Government sa publiko na mag-ingat sa pagbili nila ng karne lalo ngayong nala­lapit ang Kapaskuhan dahil sa pagdagsa ng mga ibini­bentang “double dead meat” sa mga pamilihan.

Ito’y matapos na ma­kumpiska ang tinatayang nasa tatlong toneladang “double dead” na karne ng baboy o botcha sa isina­gawang pagsalakay sa Balintawak Public Market ng QCPD at Quezon City Veterinary Office dakong alas-11 kamakalawa ng gabi.

Nabatid na nanggaling umano ang mga botchang karne sa lalawigan ng Bula­ can at pinoproseso sa palengke ng Balintawak bilang mga tocino at long­ganisa upang hindi ma­halata na double dead.

Nangingitim na ang mga karne na panganib na umano kung makakain.

Nabatid pa na   lub­hang napakadumi rin ng pabri­kang pinagdalhan ng mga karne upang doon na ito prinoproseso.

Ilang tindero naman ang nadakip sa naturang operasyon habang pa­tuloy na kinikilala ang may-ari ng mga stalls kung saan na­kumpiska ang mga karne para ma­sam­pahan ng ka­ukulang kaso.

Nakatakda naman umanong magpasa ng re­so­lusyon ang Sangguni­ang Panglungsod ng Que­zon City upang maitaas ang parusa sa mga mada­dakip na nagbebenta ng double dead na karne. Pa­balik-balik umano sa ka­nilang iligal na ope­rasyon ang mga financier at tin­dero ng botcha dahil sa ka­salukuyan anim na bu­wang pagkakulong at mababang multa   lamang ang parusa dito.

Nakatakda namang sunugin ng Quezon City Veterinary Office ang mga nakumpiskang karne o ipakain na lamang sa mga hayop sa zoo kung pu­puwede pa.

vuukle comment

BALINTAWAK

BALINTAWAK PUBLIC MARKET

BULA

KARNE

NABATID

NAKATAKDA

QUEZON CITY VETERINARY OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with