^

Metro

P1 rollback sa presyo ng petrolyo

-

Muling nagpairal ng P1 rollback kada litro sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga oil companies kabilang ang tinaguriang “Big 3” simula kahapon ng madaling-araw.

Ganap na alas-12:01 ng madaling-araw ng magka­kasabay na magbawas ng presyo ng diesel, gasoline at kerosene ang Pilipinas Shell Petroleum Corp., Petron Phils., at Chevron (dating Caltex). Sumunod namang nagrollback ng kaparehas ding presyo ang Eastern Petroleum, SeaOil, Total Philippines Eastern petroleum at PTT dakong alas-6 ng umaga.

Ang nasabing mga kompanya ay nagbawas ng presyo sa produktong diesel, gasoline at kerosene ma­liban sa SeaOil na hindi nagbawas sa kanilang pro­duktong diesel. Ikinatuwiran ng SeaOil na mababa pa rin ang kanilang presyo ng diesel dahil sa ipinairal nilang P2 rollback kamakailan lamang.

Ang patuloy na pagbaba ng presyo ng krudo sa world market ang itinuturong dahilan ng patuloy na pagtapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Pilipinas.

Nabatid na pumapalo na lamang sa $67 hanggang $70 kada bariles ng crude oil sa world market kung saan ay halos kalahati na ang ibinaba simula ng lumobo ito sa $147 kada bariles noong buwan ng Hulyo. (Edwin Balasa)

CALTEX

EASTERN PETROLEUM

EDWIN BALASA

GANAP

HULYO

IKINATUWIRAN

PETRON PHILS

PILIPINAS SHELL PETROLEUM CORP

PRESYO

TOTAL PHILIPPINES EASTERN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with