^

Metro

Mister dinedo ng ex ni misis

-

Patay agad ang isang mister nang paulanan ito ng bala ng dating mister ng kanyang misis makaraang ito ang pagbalingan ng huli nang tumangging maki­pag­balikan dito ang ginang, kahapon ng umaga sa Pasay City. Bunga nito, “love triangle” ang sinasabi ng pulisya na motibo sa pamamaslang sa biktima na si Yasser Ebus, 36, residente ng Talabas, Bacoor, Cavite.

Batay naman sa ulat, dakong alas-11 ng umaga nang mangyari ang nasabing insidente sa harap ng Diplomat Building, Roxas Blvd., Pasay City.          

Ayon naman sa pahayag ng misis ng nasawi na si Hijarah Monib, 30, kasalukuyan silang nagtitinda ng kan­yang kasalukuyang mister sa naturang lugar nang duma­ting ang kanyang dating asawa na si Amer Tumawis kasama ang dalawang kaibigan nito.

Una umanong kinumpronta ng suspect na armado ng baril ang ginang kung saan pinilit umano ng una ang huli na makipagbalikan sa kanya at hiwalayan na ang bagong asawa. Napag-alaman naman sa ginang na dahil sa palagi umano siyang sinasaktan ng suspect at sa pagiging iresponsable nito sa kanilang mga anak, nag­­pakasal siya sa biktima nitong nakaraang Linggo (Oct. 19). Tatlo sa kanyang mga anak ay naiwan sa sus­pect at ang dalawa ay kanilang inaaruga ng bagong asawa.

Dala na rin umano ng matinding paninibugho at pag­tanggi naman ni Hijarah na maibalik ang dating relasyon, binuntunan ng galit ng suspect ang bagong mister ni Hijarah na pinagbabaril ng suspect. Matapos ang in­sidente ay agad na tumakas ang suspect at dalawa pang kasamahan nito na ngayon ay pawang pinaghahanap na ng awtoridad. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AMER TUMAWIS

DIPLOMAT BUILDING

HIJARAH

HIJARAH MONIB

PASAY CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

ROXAS BLVD

SHY

YASSER EBUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with