Beybi itinapon sa basura

Isang bagong silang na sanggol na tinatayang may 5 oras pa lamang na patay ang natagpuan sa kumpol ng basura sa Binondo, May­nila kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi nang ma­­diskubre ng isang Ro­lando Agoc, street sweeper, sa kumpol ng basura ang isang kahon na naglala­man ng bangkay ng sang­gol, sa panulukan ng Muelle at Jaboneros Sts., Sto. Cristo, Binondo, Ma­nila. Aminado si Agoc na pinag-interesan niya kung ano ang laman ng kahon subalit tumambad sa kanya ang patay na sang­gol. Malambot pa ang ka­ta­wan nito kaya pinani­niwa­la­ang bago pa lamang ito na­isilang. (Ludy Bermudo)

Show comments