^

Metro

Tsinoy na 'tulak', timbog

-

Arestado ang isang Tsinoy na sina­sabing “supplier” ng droga sa ilang bus driver matapos itong maaktuhan kamaka­lawa ng hapon sa Malabon City. Nakilala ang nadakip na suspect na si Eduardo Tan, 24, ng Leongson St., San Roque, Navotas City.

Base sa report ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon nang maaresto ang suspek matapos na magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Force (SAID-SOTF) ng Malabon-PNP sa panulukan ng C-4 Road at Orchid St., Brgy. Longos ng nasabing lungsod.

Nabatid na unang nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng SAID-SOTF hinggil sa talamak na pagbebenta ng ilegal na droga ng suspek kaya’t agad na nagsagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad. Nang maging positibo ang impormasyon ay isinagawa na ang buy-bust operation na nagresulta sa pagka­­kaaresto kay Tan kung saan nakum­piska sa pag-iingat nito ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at ang P200 buy-bust money habang ina­alam pa ng mga awtoridad kung saan kumu­kuha ang suspek ng kanyang mga itinitindang droga.

Napag-alaman na ang suspek ay supplier umano ng droga sa ilang tsuper ng bus. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARESTADO

DRUGS-SPECIAL OPERATION TASK FORCE

EDUARDO TAN

LEONGSON ST.

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

NAVOTAS CITY

ORCHID ST.

SAN ROQUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with