^

Metro

Taxi driver na holdaper, gumagala

-

Binalaan ng Manila Police District (MPD) ang publiko laban sa gumagalang holdaper na taxi driver matapos na mabiktima nito ang isang ginang na sinaksak pa ng suspect kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Kasalukuyang ginagamot sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang si Lanie Gahum, ng Blk 1, C-3 Bahay Caridad Condo, Bayani St., Quezon City bunga ng tinamong saksak sa kanang bahagi ng kamay at katawan.

Bunga umano ng nerbiyos, hindi na naplakahan ang taxi na dala ng nakatakas na suspect na tuma­ngay ng P50,000 cash na katumbas ng US$120 dollars, 50 Euro at Nokia 6210 ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa Malvar St., Ermita, Maynila.

Sa salaysay ng biktima, sumakay siya sa taxi ng suspect sa Mabini St., Ermita at nagpahatid sa Quezon City subalit pagsapit sa naturang lugar ay naglabas ng patalim ang suspect at inutusan ang biktima na ibigay sa kanya ang kanyang pera at alahas. Nang tumanggi ay nagalit ang suspect at sinaksak ang biktima sa kamay at katawan saka tinangay ang pera at cellphone nito. Sa kabila na sugatan ang ginang ay pinababa pa ito ng taxi ng suspect. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BAHAY CARIDAD CONDO

BAYANI ST.

ERMITA

LANIE GAHUM

LUDY BERMUDO

MABINI ST.

MALVAR ST.

MANILA DOCTOR

MANILA POLICE DISTRICT

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with