^

Metro

LRTA sinalakay ng 15 armado

-

Sinalakay ng mahigit sa labinlimang armadong kala­lakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng hold-up and rob­bery gang ang punong-tang­gapan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at hinostage ang mga gwardiya pati na ang mga empleyado dito bago tulu­yang tangayin ng mga suspect ang mga salapi at personal na kagamitan ng mga huli, kama­kalawa ng gabi sa Aurora Blvd., Pasay City.

Batay sa isinagawang im­bes­tigasyon ni SPO1 Joel Lan­dicho, may hawak ng kaso, dakong alas-9:30 ng gabi nang unang dumating ang isang gray na SUV Toyota Revo na may ­plakang SFV-105 at isang green na Mitsubishi Adventure na may plakang SFV-104.

Unang nagkunwaring mga pulis umano ang mga suspect kung saan nang dumating ang mga ito ay una nilang tinanong ang mga security guard na si Crisanto Bornales at Jojie Laping na noon ay kapwa nag­ba­bantay sa main gate ng LRTA kung may nagaganap na kagu­luhan sa loob ng opisina.

Nang tatawag na sana umano ang mga security guard sa kanilang officer-in-charge agad na inagaw ng mga sus­pect ang hand-held radio sa mga una sabay tutok ng baril sa mga ito bago kapwa kina­ladkad sa loob ng isang jeep na nakaparada sa parking lot kung saan nakatambay ang dalawa pang suspect.

Sa pagkakataong ito ay lumabas naman ang isang utility worker na si Noel Jabatan na nag­kataong napadaan sa natu­rang lugar na agad namang pi­nag­bubugbog ng mga suspect hanggang sa malugmok nang tumanggi itong sumakay sa loob ng nasabing pampa­saherong jeep.

Matapos nito, tatlo naman sa siyam na suspect ang nag­tungo sa Admin Office ng LRTA at pinadapa ang 16-empleyado saka kinulimbat ang kanilang mga salapi, cellphone, alahas at iba pang personal na kaga­mitan. Nang walang matagpu­ang salapi, makalipas ang 30-minuto ay agad na tumakas ang mga suspect lulan ng mga nabanggit na sasakyan.

Ang mga 16 hinostage naman na empleyado ay natag­puan ng mga security guard na nagsisiksikan sa loob ng isang comfort room ng gusali. (Rose Tamayo-Tesoro)

ADMIN OFFICE

AURORA BLVD

CRISANTO BORNALES

JOEL LAN

JOJIE LAPING

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MITSUBISHI ADVENTURE

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with