Bagong ospital sa QC matutuloy na

Tuloy na tuloy na ang pagpapatayo ng isang bagong ospital ng pamahalaang local ng Quezon City.

Ito ay makaraang ianunsiyo ni Mayor Feliciano “SB” Belmonte na natapos na ang bidding ng Ocean Theater sa Cubao at mula dito ay naka­likom ang pamahalaang lokal ng P91 Milyon na gagastusin sa pagtatayo ng bagong pagamutan sa lunsod.

Sinabi ni Belmonte na ang itatayong pagamutan ay ilalagay sa isang ektaryang lupa sa Commonwealth avenue malapit sa Litex na pinamamahalaan ng Home Insurance Guaranty Corpo­ration.

Umabot sa P130 milyon ang property na pagla­lagyan ng pagamutan pero pumayag na ang may ari sa mas mababang halaga bilang tulong na rin sa mga mabibiyayaan ng ospital. (Angie dela Cruz)

Show comments