Nasobrahan sa alak, obrero di na nagising

Hindi na nagising sa pagtulog dahil sa sobrang alak na nainom ang isang obrero makaraang matagpuan ang bang­kay nito sa tinutuluyang quarters kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Randy Cauwad, 37-anyos, stay-in sa ginagawang bahay sa #30 Lafilonila street, Barangay Damayang Lagi, ng naturang lungsod.

Bandang alas-5:00 ng umaga kahapon nang makita nito na nakadapa ang bangkay ng biktima sa sementong sahig ng ginagawa nilang bahay at wala nang buhay.  Wala na­mang natagpuang sugat sa bangkay na maaaring ebi­densya ng “foul play”.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-9 kama­kalawa ng gabi na nakikipag-inuman sa kanyang mga kasa­mahan sa trabaho. Posible umano na nasobrahan ng na­inom na alak o kaya naman ay binangungot ang biktima na sanhi ng kamatayan nito. (Danilo Garcia)

Show comments