Beauty service sa manggagawa
Mapagkakalooban ng libreng beauty services ng Department of Labor and Employment ang mga manggagawa at mga pamilya ng mga ito na naninirahan sa Las Piñas City bilang bahagi ng non-wage benefit program ng departamento para sa mga manggagawa.
Ayon kay Labor Secretary Marianito Roque, kabilang sa serbisyo ang haircut, pedicure at manicure na ipagkakaloob kasabay ng ikawalong bahagi ng Diskwento Consumer Caravan, isang proyekto ng DOLE sa ilalim ng National Wages and Productivity Commission.
Nabatid na ang programa, na sinimulan noong Hunyo ay isasagawa sa Verdant Covered Court sa Verdant St. corner Zapote-Alabang road sa Las Piñas sa Oktubre 21, Martes.
Ayon sa Kalihim, ang proyekto ay kabilang sa mga non-wage benefit program ng DOLE na may layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na makabili ng mga pangunahing bilihin sa mas murang presyo. (Mer Layson)
- Latest
- Trending