3 tiklo sa pagkatay sa riles

Tatlong lalake ang na­dakip ng pulisya dahil sa pagkatay sa riles ng Philippine National Railways na nagkakahalaga ng P39,000. sa Tondo, Maynila, sa ulat kahapon.

Nahaharap sa kasong robbery ang mga suspect na sina Sonny Dionisio, 39, may-asawa, vendor; Ro­meo Yumul, 38, may-asawa, sca­venger, at Danilo Es­pino, 36, construction wor­ker, pawang mga residente ng PNR Compound, Tayu­man, Maynila.

Nabatid na ang kinata­wan ng PNR na si Anthony Corosco ang unang naka­kita sa paglalagare ng mga suspek sa riles kaya mabilis siyang humingi ng police assistance sa tanggapan ni P/Supt. Jose Mario Espino, hepe ng MPD-Station 2, dakong alas-11:30 ng tang­hali.

Naabutan pa ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek na may mga hawak ng pira-pirasong riles at mga lagareng bakal habang may nilalagare kaya mabilis silang inaresto. (Ludy Bermudo)

Show comments