^

Metro

Filipino sa hukuman okay sa 2 Manila Dad

-

Pabor ang dalawang konsehal ng Maynila na gawin sa wikang Filipino ang mga court proceeding kaugnay na rin ng panukala ng Supreme Court at sa ginagawang deco­ngestion program ng city government at ng Bureau of Jail Management and Penology .

Kapwa iisa ang pananaw nina 3rd District Councilor Joel Chua at 6th District Councilor Ernesto Rivera mata­pos na ilabas ng Korte Suprema ang kanilang panukala hinggil sa paggamit ng wikang Filipino sa korte.

Ayon kay Chua, nararapat lamang na Filipino ang ga­mitin sa mga pagdinig dahil mas marami ang nakaka­pag­­­salita at nakakaunawa ng Tagalog kaysa wikang English­.

Ito rin ang isa sa mga paraan upang hindi magsikip ang mga kulungan hindi lamang sa Manila City Jail kundi pati na rin sa buong bansa. Aniya, mas naiintindihan ng aku­sado ang kasong kanyang kinasasangkutan kung ito ay inilalahad sa korte sa Filipino.

Iginiit ni Chua na karamihan naman sa mga nasisin­tensiyahan ay mga walang pinag-aralan at hindi naiintin­dihan ang court proceeding. Aniya, malaking tulong ang panukala ng SC kung sisimulan nang sanayin ang mga huwes, abogado at piskal sa pagsasalita ng Filipino.

Idinagdag naman ni Rivera bagama’t maganda ang programa, dadaan pa ito sa mahabang proseso at usapin. (Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHUA

DISTRICT COUNCILOR

DISTRICT COUNCILOR JOEL CHUA

DORIS FRANCHE

ERNESTO RIVERA

KORTE SUPREMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with