^

Metro

Pekeng cosmetic surgeon inaresto ng NBI agents

-

Isang umano’y huwad na cosmetic surgeon ang ina­resto kamakailan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation makaraang maimpeksyon ang isa niyang biktima.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Medical Practices Act of 1959 ang beautician na si Roderick Melchor alyas Bambi ng Cembo, Makati City.

Naunang inireklamo ng biktimang si Roldan Paredes na nagkaimpeksyon siya matapos siyang gawan ni Melchor ng surgery na, rito, isang elecant oil na isang uri ng silicone ang itinurok sa kaniyang dibdib.

Pero nagkaimpeksyon at naospital si Paredes na kinailangang sumailalim sa lehitimong corrective surgery.

Dinakip ng NBi si Mel­chor sa 5J’s Beauty Salon sa Kalayaan Avenue, Cembo village noong Oktu­bre 13 nang aktong tuturu­kan na niya ang isang NBI asset na nagpanggap na kustomer ng nasabing substance.

Natuklasan din na wala ang pangalan ni Melchor sa talaan ng Professional Re­gu­lation Commission na nangangahulgang hindi ito awtorisado sa paggawa ng cosmetic surgery. (Ludy Bermudo)

BEAUTY SALON

CEMBO

KALAYAAN AVENUE

LUDY BERMUDO

MAKATI CITY

MEDICAL PRACTICES ACT

MELCHOR

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PROFESSIONAL RE

RODERICK MELCHOR

ROLDAN PAREDES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with