^

Metro

Nagsosyo kay mister, nagsama sa selda

- Angie dela Cruz, -

Dahil sa iisang lalake, kapwa nakulong sina Susan Delima, 36 anyos, ng Baran­gay Tañong, Malabon City, at Melinda Saraga, 18, da­laga, ng Barangay Bang­ku­lasi, Navotas City.

Nagtagpo, nag-away at nagkasabunutan sa hara­pan pa ng presinto ng Mala­bon City Police sina Delima at Saraga kamakalawa ng gabi.

Sinasabi sa ulat ng pulisya na nobya umano si Saraga ng mister ni Delima bagaman hindi nabanggit ang pangalan ng lalake.

Sinabi ni PO2 Rommel Habig na nagsabunutan sina Delima at Saraga sa harapan ng presinto ban­dang alas-7:10 ng gabi kamakalawa makaraang magkatagpo ang dalawang babae.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo at palitan ng maa­ anghang na salita ang da­lawa dahil sa umano’y pang-aagaw ni Saraga sa asawa ni Delima hanggang sa magkasabunutan na sila.

Sinabi ni Habig na ayaw magpaawat ang dalawang babae kaya napilitan siyang arestuhin ang mga ito at ikulong.

Kapwa sinampahan ng kasong alarm and scandal ang dalawang babae na nga­yon ay nagsososyo sa iisang kulungan.

vuukle comment

BARANGAY BANG

CITY POLICE

DELIMA

MALABON CITY

MELINDA SARAGA

NAVOTAS CITY

ROMMEL HABIG

SARAGA

SHY

SINABI

SUSAN DELIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with