^

Metro

Nag-usyoso tinarakan, patay

-

Dahil sa umanoy pag-uus­yoso sa nagaganap na kagulu­han, isang 30-anyos na lalaki ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay matapos itong ma­pagkamalang kaaway kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz Maynila.

Patay na bago pa man idating sa Jose Reyes Memorial Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Segundo Sajorga, ng #1341 M. Dela Fuente St., Sampaloc ng nasabijng lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang insidente. Sa report ni Det. Jaime Gon­zales ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, da­kong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insi­dente sa harapan ng Nesus Bldg. sa kanto ng AH Lacson at Consuelo Sts., Sta. Cruz, Manila. 

Kasalukuyang nakatayo ang biktima sa tabi ng isang nakaparadang pampasaherong jeepney sa isang gasolinahan nang napansin nito ang komos­yon sa harapan ng Mini Stop convenience store sa kanto ng Tayuman at Pedro Guevarra Sts., Sta. Cruz, Manila.

Tinangka nitong mag-usyuso nang napansin nito ang kanyang kalbigan na hinahabol ng suspek at tumatakbo pa­tungo sa kanyang direksiyon kaya sumabay na rin ito sa pagtakbo.

Subalit pagsapit sa na­sabing lugar ay nakorner ito ng suspek at kaagad na inundayan ng sunud-sunod na saksak na naging sanhi ng kanyang kama­tayan. Gemma Amargo-Garcia

vuukle comment

CONSUELO STS

CRUZ

CRUZ MAYNILA

DELA FUENTE ST.

GEMMA AMARGO-GARCIA

JAIME GON

JOSE REYES MEMORIAL HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT

MINI STOP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with