Kawatan na-trap sa bangko, timbog

Arestado ang isang 42-anyos na lalaki maka­raang makulong ito sa nilooban niyang bangko na wala namang lamang pera kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon ang suspek na nakilalang si Rudy Carballo.

Sa inisyal na ulat ng QCPD, naganap ang pan­lo­loob sa Bank of Philip­pine Islands (BPI) sa may kanto ng Aurora Blvd. at Doña Hemady St., New Manila dakong alas-9 ng gabi.

Nabatid na umakyat sa bakal na gate ang suspek at tinuklap ang bubong at kisame ng bangko na kan­yang dinaanan papasok ng bangko. Malaking pagka­ka­­mali naman nito nang hindi niya inakala na hindi pala nabubuksan mula sa loob ang mga pinto ng bangko sanhi upang ma­kulong siya. Ngunit mas ma­sakit pa nang matukla­san na walang lamang pera ang mga kaha sa cashiers booth habang hindi naman nito mabuk­san ang safety vault.

Nadiskubre naman ang ginawang panloloob ng sus­­pek matapos na sumi­lip sa “peep hole” ang duty na sekyu nang tumunog ang alarma ng bangko kung saan nakita nito ang suspek sa loob.

Agad namang rumes­ponde ang mga tauhan ng QCPD kung saan winasak pa ang isa sa salaming pinto matapos na talian ng suspek buhat sa loob. 

Nakorner naman ng mga pulis si Carballo sa ika­lawang palapag ng bangko habang nagha­hanap ng butas na mata­takasan.

Show comments