^

Metro

Mag-asawa todas, anak at apo sugatan

- Angie dela Cruz, -

Isang mag-asawa ang nasawi, habang su­gatan ang anak at apo ng mga ito nang mapag­­-tripang pag­ba­barilin ng ka­nilang ka­lugar sa Ca­loocan City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot san­hi ng mga tama ng bala sa katawan sina Antonio Gaspar, 50; misis na si Clarinda, 40, ha­bang gina­gamot naman sa Jose Ro­driguez Hos­pital ang ka­nilang anak na si Angel Joe, 26; at apong si Jo­nathan, 4, pawang mga residente ng Recom Ville, Bagum­bong ng lungsod na ito.

Pinaghahanap na­man ang suspek na si Rogelio Ronquillo, 55, taga-Pro­gressive Ville, Ba­gumbong.

Ayon sa report ng Ca­lo­ocan City Po­lice, na­ga­nap ang in­sidente da­kong alas-7 ng gabi sa tapat ng bahay ng mga biktima ha­bang gina­gawa ni An­tonio ang kanilang bisikleta nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pi­nag­babaril ito.

Nang makita ito ni Cla­rinda ay lumapit ito upang mag­makaawa su­balit pi­nag­ba­baril din ito ng suspek hang­gang sa tamaan ng ligaw na bala sina Angel Joe at Jonathan.

Hindi pa matiyak ng pulisya kung ano ang mo­tibo sa pama­maril, gayun­man may ulat na mahilig umanong ma­maril ang naturang sus­pect ng kan­yang napagti-tripan.

vuukle comment

ANGEL JOE

ANTONIO GASPAR

AYON

BAGUM

CITY PO

JOSE RO

RECOM VILLE

ROGELIO RONQUILLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with