^

Metro

'Takatak boy' kinatay ng kapwa vendor

-

Patay ang isang cigarette vendor makaraang saksakin ito ng dalawang beses ng kanyang kasama habang natutulog sa isang pampa­saherong dyip kamakalawa ng gabi sa Mari­kina City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong dalawang sak­ sak sa dibdib ang biktimang si Ricky Bustado, at residente ng Seme­nario, Padilla Anti­polo City.

Kasalukuyan namang pi­naghahanap ang suspek na si Ronald Bargus, nakatira sa Rosas st. Brgy. Nangka ng na­sabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang krimen dakong ala-1:10 ng gabi sa loob ng isang pampa­sa­he­rong dyip na nakapa­rada sa kahabaan ng Dela Paz St. Brgy. Sta. Elena ng lungsod na ito.

Nabatid na nagkaroon muna ng inuman ang biktima at suspek kasama ang ilang ka­ibigan at ng malasing na ang una ay natulog na ito sa loob ng nasabing jeep.

Lingid sa kaaalam nito ay palihim palang sumunod ang suspek na armado ng patalim at ng makitang nakahiga na ang biktima sa loob ng dyip ay agad nitong inundayan ng dalawang saksak sa dibdib bago mabilis na tumakas.

Lumalabas sa im­besti­gas­yon, pinagbintangan umano ng suspek ang bik­tima na ito ang nagnakaw ng pa­ninda nitong sigarilyo dahilan para ma­gawa ang krimen.

Patuloy ang isinasaga­wang follow-up operation ng pulisya para sa agarang pag­lutas ng kaso. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

DELA PAZ ST. BRGY

EDWIN BALASA

ELENA

KASALUKUYAN

LINGID

PADILLA ANTI

RICKY BUSTADO

RONALD BARGUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with