^

Metro

18-anyos tinodas ang tiyo

-

Hinahanting ngayon ng pu­lisya ang isang 18-anyos na binata matapos nitong pagba­barilin hanggang sa mapatay ang kanyang sariling tiyuhin, habang isa pa ang sugatan,     kamakalawa sa Caloocan City.

Kinilala ng pulisya ang na­sawing biktima na si Arturo Carpio, 42, Brgy. 174, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod ng ulo.

Sugatan naman ang isang ginang na kinilalang si Lea Ramos, 29, na tinamaan sa kanang hita at paa.

Kasalukuyan namang pi­nag­hahanap ng mga awtoridad ang suspek na mabilis na tuma­kas matapos ang pama­maril dala ang ginamit na baril na kinila­lang si David John Sioson, alyas Bong-Bong, pamangkin ng bik­timang si Carpio.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong ala-1 ng hapon sa kahabaan ng Lirio St., Brgy. 174 sa tapat ng bahay ng biktima.

Nabatid na ipinaparada ng biktima ang minamanehong jeep na may plakang TXG-496 sakay si Ramos ng mula sa ka­nilang likuran ay biglang lumapit ang galit na galit na suspek at armado ng baril.

Dito, walang sabi-sabing pi­naputukan ni Sioson ang naka­talikod na biktima kung saan dalawang bala ang tumama sa ulo nito na naging dahilan ng pag­­kasawi nito, habang tina­maan naman ng ligaw na bala ang ginang sa kanyang hita at paa.

Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang in­sidente. Sinasabing matagal na uma­nong may alitan ang mag-tiyo na posibleng motibo sa isina­gawang pagpaslang sa biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARTURO CARPIO

BAGONG SILANG

BRGY

CALOOCAN CITY

DAVID JOHN SIOSON

LEA RAMOS

LIRIO ST.

LORDETH BONILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with