^

Metro

Contractor ng bumagsak na billboards, kakasuhan

-

Pinag-aaralan na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang posibleng pagsasampa ng kaso sa contractor ng dalawang billboards na bumagsak sa isang bus terminal kamakalawa dahil sa paggamit umano ng substandard na mga materyales.

Sinabi ni Cubao police station chief, Supt. Joselito Pajarillaga Jr., na malabong ang malakas na hangin ang dahilan ng pagbagsak ng mga billboards kahit na tuluy-tuloy ang pagbuhos ng ulan nitong nakaraang Lunes.

Umapela naman ang mga biktima ng naturang insidente sa contractor ng billboards na Universal Ads na tulungan sila sa gastusin sa pinsalang natamo nila dahil sa insidente.

Nabatid na umakyat na sa lima ang nasaktan sa naturang insidente na kinabibilangan nina Diana Enopia, 21; Mercy Alano Tumasar, 21; Jerry Alano, 40; and Allan Madrlejos, 34 at Mary Joy Orosco, 18-anyos.

Bukod dito, pagkalugi naman ang inabot ng St. Jude Transport matapos na mawasak ang kanilang terminal at maipit ang dalawang bus unit. Sinabi ni Alex Nuñez, terminal manager, na umaasa sila na maka­­kabawi sa kanilang pagkalugi dahil sa dumarami ang pasahero ngayong nalalapit ang Undas ngunit mas malaking pagkalugi ang kinakaharap dahil sa kawalan ng terminal. 

Kinukunsidera rin nila ang pagsasampa ng ka­ukulang kaso laban sa Universal Ads. (Danilo Garcia)

ALEX NU

ALLAN MADRLEJOS

DANILO GARCIA

DIANA ENOPIA

JERRY ALANO

JOSELITO PAJARILLAGA JR.

MARY JOY OROSCO

MERCY ALANO TUMASAR

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

UNIVERSAL ADS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with