^

Metro

Dalaga naatrasan ng van, dedo

-

Patay ang isang dalaga matapos maatrasan ng isang van at mabagok ang ulo nito sa sementadong kalsada, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Manila Central University hospital sanhi ng pagkabasag ng ulo si Jocelyn Elicana, 23, ng #702 Calle Castro St. ng nabanggit na lungsod.

Sumuko sa pulisya ang suspect na si Antonio Lagasga Jr., 29 ng Batimana Compound, Marulas, Valenzuela City, driver ng Mitsubishi Aluminum van na may plakang TPH-795 na naka-disgrasya sa biktima.

Dakong alas-11:40 ng gabi nang maganap ang insidente habang nagma­maniobra si Lagasca sa parking lot ng isang convenient store sa Calle Uno, MacArthur Highway, Caloocan City.

Nabatid na aksi­denteng naatrasan ng suspect ang biktima dahilan upang ma­bagok ang ulo nito na naging sanhi naman ng agaran nitong pagka­sawi. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ANTONIO LAGASGA JR.

BATIMANA COMPOUND

CALLE CASTRO ST.

CALLE UNO

CALOOCAN CITY

JOCELYN ELICANA

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MITSUBISHI ALUMINUM

ROSE TAMAYO-TESORO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with