^

Metro

P5-M alahas tangay sa trader

-

Umaabot sa P5 milyong halaga ng mga alahas ang natangay ng tatlong holdaper buhat sa isang babaeng negosyante na tinangayan pa ng kanyang mamahaling sasakyan kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dumulog sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kahapon ng umaga ang biktima na si Lailani Raymundo kung saan iniulat ang panghoholdap at pag­tangay sa kanyang puting Toyota Hi-Lux (XPE-246) ng tatlong armadong suspek.

Sinabi nito na binabagtas niya ang kahabaan ng Fatima Street, Congress Park Subdivision, Doña Juliana Avenue, Fairview dakong alas-10:20 ng gabi nang harangin siya ng mga suspek.

Bukod sa kotse, natangay ng mga suspek ang P5 milyong halaga ng mga alahas at salapi na dala ni Raymundo. Nabatid na nagba-buy and sell ng mga alahas ang biktima kung saan dala-dala niya ang kanyang mga stock dahil sa ipapalinis niya ang mga ito. Sinabi naman ni QCPD Anti-Carnapping Unit chief, Sr. Insp. Angelo Nicolas na narekober na nila ang naturang sasakyan ma­tapos abandonahin ng mga suspek sa may Phase 4, Brgy. Payatas, ng naturang lungsod kung saan malinaw na pangho­holdap lamang ang pakay ng mga suspek. (Danilo Garcia)

ANGELO NICOLAS

ANTI-CARNAPPING UNIT

CONGRESS PARK SUBDIVISION

DANILO GARCIA

FATIMA STREET

JULIANA AVENUE

LAILANI RAYMUNDO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with