^

Metro

Bagong QC jail ipatatayo ni SB

-

Umaasa ngayon ang pamu­nuan ng Quezon City Jail na mapapaluwag na ang kon­dis­yon ng kulungan matapos ang pangako ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte ng pagta­tayo ng bagong kulungan sa lungsod.

Sinabi ni QCJ warden, Supt. Emilio Culang na umaasa siya sa binitiwang pangako ng Al­kalde ng pagtatayo ng bagong kulungan sa may Litex, Fairview upang mailipat dito ang uma­apaw na 2,800 bilanggo ng lungsod.

Una nang ibinunyag ni Bu­reau of Jail Management and Penology (BJMP) chief, Director Rosendo Dial Jr. na 1,000 “con­gested” o sobra-sobra ang bi­lang ng mga bilanggo sa mga kulungan sa Metro Manila.

Sa ulat na ipinadala ni Culang kay Belmonte, sinabi nito na marami sa mga bilanggo ng QCJ ay natutulog na lamang sa basketball court kapag gabi dahil sa wala nang mapuwes­tuhan sa kanilang mga selda.

Kapag umuulan naman at hindi magamit ang basketball court, nakaupo na lamang ang mga bilanggo at naghihintay ng karelyebo upang makatulog.

Dahil sa dami ng bilanggo, madalas umano ang away sa pa­gitan ng mga preso na minsan ay humahantong sa mga riot.

Hindi pa man natutuloy ang konstruksyon, pinasalamatan na ni Culang si Belmonte sa plano nitong pagtatayo ng city jail na may sariling kusina, la­bahan, kainan, chapel, sports area, con­jugal room, visiting area, at klinika. (Danilo Garcia)

BELMONTE

CULANG

DANILO GARCIA

DIRECTOR ROSENDO DIAL JR.

EMILIO CULANG

METRO MANILA

QUEZON CITY JAIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with