^

Metro

33-anyos binoga ng ka-live-in na sekyu

-

Agad na nasawi ang isang 33-anyos na bebot matapos na mabaril sa dibdib ng kanyang ki­na­ka­samang security guard, kamakalawa ng gabi sa Que­zon City. Hindi na umabot ng buhay sa Novaliches Ge­nera­l Hospital ang bikti­mang nakila­lang si Shiela Ver­soza.

Hawak naman ngayon ng Quezon City Police District-Cri­minal Investiga­tion and De­tection Unit ang suspek na si Herico Zaca­rias, 33, stay-in sa binaban­tayan nitong gusali sa Francisco St., Brgy. San Bar­tolome, Novaliches.

Sa inisyal na ulat, na­ganap ang insidente da­kong alas-10:15 ng gabi sa loob ng ku­warto ni Za­ca­rias.

Nabatid na una nang naki­pag-inuman ang da­lawa ka­sama ang ina ng biktima at isa pang security guard kung saan masaya pa nilang pina­plano ang pagdiri­wang ng ka­arawan ni Versoza sa darating na Oktubre 30.

Nagpaalam naman ang da­lawa na matutulog na sa ka­nilang kuwarto. Maka­lipas ang ilang sandali, isang putok ng baril ang narinig buhat sa ku­warto hang­gang sa lumabas si Zacarias dala ang duguang katawan ng biktima at isi­nugod sa pagamutan.

Sa im­bestigas­yon, sinabi ni Zacarias na aksi­dente ang nangyari. Bigla umanong hi­ nab­lot ng babae ang kanyang baril hanggang sa mag-aga­wan sila at ma­putukan si Versoza. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

FRANCISCO ST.

HERICO ZACA

NOVALICHES GE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRI

SAN BAR

SHIELA VER

SHY

VERSOZA

ZACARIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with