P4-M fire hose kaloob sa bumbero

Upang lalo pang maging epektibo sa pag­sugpo sa mga sunog na nagaganap sa lungsod, umaabot sa P4 milyong halaga ng mga fire hoses ang ipinamahagi ni Que­zon City Mayor Feliciano Belmonte sa Quezon City Fire Department.

Ang naturang donas­yon ay kinabibilangan ng 300 piraso ng fire hose na ipapamahagi sa 17 istas­yon ng bumbero sa apat na distrito ng Quezon City.

Bukod dito, bibigyan rin ng lokal na pamahalaan ng 15 pirasong breathing apparatus na nagkakahalaga ng P1 milyon ang mga bum­bero sa lungsod. (Danilo Garcia)

Show comments