^

Metro

Phase out sa thermometer iginiit

-

Tahasang sinabi ni Manila 3rd District Councilor at Majority Floor Leader Manuel Zarcal na dapat lamang na i-phase out na ang mga medical equipment na may mercury sa mga government hospital sa Maynila mata­pos na magpalabas ng Administrative Order ang Department of Health hinggil dito.

Ayon kay Zarcal, dapat lamang na agad na sumu­nod ang mga government hospital dahil ang kalusu­gan ng bawat Manileño ang nakasalalay dito.

Una nang nagpalabas ang DOH ng administrative order (AO) No. 2008-0021 na unti-unting nagtatang­gal sa mga health care fa­ci­lities ng mercury medical devices.

Subalit sa pahayag ng Health Watch Coalition kamakailan, lumilitaw na anim pang pampublikong ospital sa bansa ang gu­ma­gamit ng “old-fashioned thermometer” at sphygmomanometer na ginagamit naman sa pagkuha ng blood pressure.

Maliban sa mga ospi­tal, ilang dental center din sa bansa ang gumagamit ng mercury amalgam.

Dahil dito, sinabi ni Zar­cal na posibleng hili­ngin niya sa Committee on Health ng konseho ng May­nila na mag­sagawa ng ins­peksiyon upang mala­man kung alin pang ospital sa Maynila ang gumaga­mit ng mga kaga­mitan na may mercury.

Ang mercury ay isa uma­­ nong highly toxic at maaaring makamatay kung masisinghot at deli­kado sa balat ng tao. May masama itong epekto sa nervous, digestive, respiratory, immune systems at kidney at posibleng ma­ging dahilan ng lung damage. (Doris M. Franche)

ADMINISTRATIVE ORDER

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DISTRICT COUNCILOR

DORIS M

HEALTH WATCH COALITION

MAJORITY FLOOR LEADER MANUEL ZARCAL

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with