^

Metro

P/Colonel, 2 pa huli sa kotong

- Edwin Balasa -

Inaresto ng puilsya ang isang opisyal ng pulisya at dalawang sibil­yang kasama nito maka­ra­ang mango­tong at ma­nakot uma­no sa mga vendors kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Sa kasalukuyan ay pinipigil sa himpilan ng Marikina police si Supt. Noel Pama, nakata­laga sa PNP Maritime Group at mga kasama nitong sina Renato Bistro at Edgardo Bihi matapos na ireklamo ng mga vendors na umano’y nangingikil at nanakot sa kanila.

Sa ulat, dakong alas 11:30 ng gabi ng maka­tanggap ng sum­bong ang Marikina PNP hinggil sa gina­gawang pango­ngotong at pananakot ng na­sabing grupo sa mga vendors na nagtitinda ng pirating DVD at VCD sa harapan ng Sanko Wet and Dry Market na mata­tag­puan sa kahabaan ng Sumulong Hi-way sakop ng Brgy. Sta. Elena ng nasabing lungsod.

Nabatid sa reklamo ng mga vendors na nag­tu­ngo sa kanila ang dala­wang suspek na sina Bistro at Bihi at nanghi­hingi ng pera sa utos umano ni Supt. Pama na na­iwan sa ka­nilang sa­sakyan. Pana­kot pa ng da­lawa na kung hindi magbi­bigay ay bi­bilang sila ng sampu at pag­ba­barilin pa umano nila ang mga vendors na hindi mag­bibigay.

Dahil dito, mabilis na nag­sumbong sa Marikina police ang ilang vendors na agad namang rumes­ponde sa lugar at inabu­tan ang nasabing mga suspek.

Sa reklamo na rin ng mga vendors ay inaresto sina Bistro at Bihi, gayun­din si Pama at agad dinala sa Ma­rikina PNP upang im­bestigahan.

Ayaw namang mag­­bi­gay ng pahayag ang mga suspek ma­liban sa sinabi ni Pama na legal ang ka­ nilang gi­nagawang ope­rasyon at binalig­ tad lang umano sila ng mga na­sabing vendors subalit hindi naman nito ni­linaw kung anong ope­ras­yon ang gagawin ng isang nakadestino sa Maritime Group sa nasabing lugar.

Patuloy na ini­im­bes­tigahan ng pulisya ang nasabing kaso habang pansaman­talang pinipigil sa Ma­rikina PNP ang mga suspek.

vuukle comment

BIHI

DRY MARKET

EDGARDO BIHI

MARIKINA CITY

MARITIME GROUP

NOEL PAMA

PAMA

SHY

VENDORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with