^

Metro

168 at Divisoria mall bagsak sa inspeksyon

-

Bumagsak sa inspeksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kontrobersyal na 168 Mall at Divisoria Mall sa Maynila matapos na matagpuan ang napakaraming bayo­lasyon sa Fire Code of the Philippines na banta sa seguridad ng mga kostumer sa oras na magkaroon ng sunog.

Sa ulat kay Department of Interior and Local Government Under­­­secretary for Public Safety Atty. Marius Corpus, nangu­nguna sa mga paglabag ang pagkakaroon ng masisikip na daan at siksikan na mga stalls, nakaharang ang mga paninda sa daan patungo sa mga labasan. Dagdag pa rito ang pagka­katabon ng mga stock ng paninda sa “sprinkler head” ng mga gusali, kaku­langan sa fire exit signs, walang “first aid fire protection” at gina­gawang stock room ang kisame.

Nabatid na ang mga naturang harang at sobrang pagsi­siksikan ay maaaring lumikha ng trahedya dahil sa may 3-4 na minuto lamang ang panahon na maaaring makalabas ang pub­liko sa oras na sumiklab ang sunog. Sinabi ni BFP-National Capital Region chief, Sr. Supt. Pablo Cordeta na puspusan nga­yon ang kanilang inspek­syon sa mga malls lalo na sa mga pinakamatatao kung saan inuna nila ang Divisoria na pabori­tong destinasyon ng mga masa ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Binigyan naman ng BFP ng “notice to correct violations” ang pamunuan ng dalawang malls upang maitama ang mga pagka­kamali sa madaling panahon. Nagbabala ang BFP na papa­tawan ng pinakamabigat na kaparusahan ang may-ari at management ng malls sa oras na hindi sumunod sa batas. (Danilo Garcia)

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DANILO GARCIA

DIVISORIA MALL

FIRE CODE OF THE PHILIPPINES

MARIUS CORPUS

NATIONAL CAPITAL REGION

PABLO CORDETA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with