^

Metro

Klase sa 4 na lungsod sinuspinde

- Edwin Balasa, Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja, -

Dahil sa walang tigil na pag-ulan ay sinuspinde ng lokal na pamahalaang lung­sod ng apat na siyudad at Department of Education (DepEd) ang pang hapong klase kahapon sa pampubliko at pribadong elementarya at high school sa Pasay, Manila, Mandaluyong at Muntinlupa.

Ayon kay DepEd National Captial Region (NCR) Re­gional Director Teresita Do­ma­lanta, ang pagsuspinde ng klase sa elementary at high school sa apat na lungsod ay idineklara bago mag-alas-11 ng umaga matapos na mag­desisyon ang pamunuang lungsod at DepEd na ikansela na ang mga klase dahil sa lakas ng buhos ng ulan bunsod ng isang low pressure area na nakita sa parteng Southern Leyte.

Ayon kay Domalanta, unang nagkansela ng ka­nilang pasok sa elementary at secondary ang lungsod ng Muntinlupa matapos na mag­karoon ng konsultasyon ang pamunuang lungsod sa mga principals ng mga eskwela­ han dito matapos na mag­simulang bumaha sa mga kalsada lalo na sa mga pa­puntang eskwelahan.

Ang Muntinlupa City ay mayroong mahigit sa 90 elementary at high school.

Ilang minuto matapos mag anunsyo ang Muntinlupa City ay nagdeklara rin ng pag­kansela ng klase ang Pasay na sinundan ng Manila at Mandaluyong.

ANG MUNTINLUPA CITY

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIRECTOR TERESITA DO

MANDALUYONG

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL CAPTIAL REGION

PASAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with