^

Metro

3 holdaper todas sa shootout

- Danilo Garcia -

Patay ang tatlong hol­da­per makaraang mabis­tay ng bala sa engkuwen­trong naganap sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) matapos na holdapin ng grupo ng una ang isang gas station at isang kainan, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Isa sa mga nasawi ang nakilala na si Ryan Gre­gorio, ng Sto. Niño, Pa­lawig, Zambalez habang wala pang pagkakilanlan sa dalawa pang suspek na napatay.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang habulan at palitan ng putok sa ka­habaan ng Tandang Sora Avenue, Brgy. Culiat, ng naturang lungsod.

Nabatid na unang hi­noldap ng tatlong suspek ang Goodah foodhouse sa may Tandang Sora kung saan tinangay ang 2 cell­phone at P2,500 cash buhat sa kaha.

Dahil sa hindi kuntento sa kita, hinoldap rin ng grupo ang katabing Sea Oil gas station kung saan P3,000 kinita naman nito ang pinagtiyagaan ng mga suspek.

Papatakas na ang mga suspek patungo sa ka­nilang mga motorsiklo nang maispatan ng rumo­rondang mobile patrol unit ng District Police Intel­ligence Unit. Dito nagka­roon ng maigsing habulan hanggang sa magkapu­tukan ang magkabilang panig.

Agad na nasawi ang mga suspek dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nare­kober rin ang mga kalibre .38 baril at identification card sa isang suspek na may pangalang Ryan Gregorio.

Ayon sa DPIU, matagal na nilang isinasailalim sa surveillance operation ang naturang grupo na nag-ooperate sa Central Luzon, at mga karatig-lungsod tulad ng Quezon City.

vuukle comment

CENTRAL LUZON

DISTRICT POLICE INTEL

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RYAN GRE

RYAN GREGORIO

SEA OIL

SHY

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with