Dahil sa labada, pedicab driver tinodas

Naging mitsa ng buhay ng isang 33-anyos na pedicab driver ang nakahambalang na labahin ng kanyang live-in part­ner matapos ikagalit ng kanilang kapitbahay na nauwi  sa pana­naksak at ikinasawi ng una sa Binondo, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Gat Andres Boni­facio Hospital ang biktimang si Marky Luyas, ng #565 Valde­rama St., Binondo.

Nakatakas naman ang suspect  na kinilalang si Pancho Villano, 38, isa ring pedicab driver, ng Valderama St., Bi­nondo, Manila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:20 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.

Lumalabas sa imbesti­gasyon na sinita umano ng suspect ang live-in partner ng biktima dahil sa nakaharang na mga labahin kaya hindi siya maka­daan ng maayos papasok ng kanyang bahay na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa mag­sumbong ang babae sa biktima. Nang kompron­tahin umano ng biktima ang sus­pect ay pinagsa­bihan pa ito na pumapatol lamang sa babae.

Ilang oras ang lumipas, lingid sa kaalaman ng biktima nagtanim ng galit ang suspect sa kan­yang mga pasaring. Nang muling magkasalubong ay doon na pinagsasaksak ng suspect ang biktima. (Ludy Bermudo)

Show comments