^

Metro

Governor nanampal ng mayor

- Ni Ellen Fernando -

Nagkagulo ang mga pasa­hero nang masaksihan ang rambulan ng kanya-kanyang mga bodyguards nang sampa­lin ng gobernador ng Sulu ang mukha ng mayor ng Panguta­ran, parehong sa lalawigan ng Sulu sa loob ng eroplano at pag­lapag ng mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa.

Tila eksena sa pelikula ang naganap nang mag-engku­wentro ang dalawang mataas na opisyales ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na sina Sulu Gov. Abdul Sakur Tan at Pangutaran, Sulu Mayor Ahmad Nanoh hanggang sa mauwi sa sam­palan habang nag-aantay na ng kanilang mga bagahe sa ca­rousel number 3 sa arrival area ng NAIA Centennial Terminal 2.

Nabatid na habang sakay ng Philippine Airlines flight PR 128 patungong Manila ay nauna nang nagkaroon ng ma­initang pagtatalo sa pagitan ni Gov. Tan, Mayor Nanoh at anak nitong si Al Radzmin Nanoh hanggang sa dumating at luma­ pag ang mga ito sa NAIA T2 do­mestic nitong Linggo ng hapon.

Bago ang pananampal, nabatid na nagkaroon muna ng engkuwentro ang mga body­guards nina Gov. Tan at Mayor Nanoh habang nasa eroplano at bumibiyahe ang mga ito sa harap na rin ng mga pasahero dahil na rin sa pagtatalo ng kani-kanilang amo hanggang sa dumating sa paliparan. Natigil lamang ang awayan ng dala­wang kampo nang umawat ang mga nakatalagang airport policemen.

Gayunman, hindi nagtapos ang bangayan nang muling lapitan ni Gov. Tan si Mayor Nanoh habang nag-aantay sa paglabas ng kanyang mga ba­gahe sa carousel at saka di­nuru-duro ng daliri nito at pinagsabihan ng salitang Tausug. “Umalis ka sa muni­sipyo nang hindi ka nagpaalam sa akin!” ani Tan sa salitang Tagalog.

Bago pa man nakasagot si Mayor Nanoh ay nasampal na siya ng gobernador, ayon na rin sa mga nakasaksi. Gayunman, hindi gumanti si Nanoh.

Mabilis na nagresponde ang mga operatiba ng Aviation Security Group at Airport Police De­partment sa pinangyayari­han ng kaguluhan at agad na pinag­hiwalay ang dalawang opisyal maging ang kani-kanilang mga nagigiriang body­guards.

Naiwan pa ring galit na galit si Gov. Tan habang si Mayor Nanoh at kanyang anak na lalaki ay mabilis na tumungo sa himpilan ng pulisya upang mag­hain ng reklamo sa pana­nam­pal. Inilahad ng alkalde sa pu­lisya kung paano siya pinag­mu­mura ng gobernador habang mag­kasama at nasa loob ng eroplano patungong Maynila. Dahil sa pagkapahiya at pam­ba­bastos, itutuloy umano niya ang pagsasampa ng kaso laban sa gobernador.

ABDUL SAKUR TAN

AIRPORT POLICE DE

AL RADZMIN NANOH

AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO

AVIATION SECURITY GROUP

CENTENNIAL TERMINAL

MAYOR NANOH

NANOH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with