Bading na guro timbog sa pangmomolestiya
Isang high school teacher ng Sta. Isabel College ang ipinadakip ng kanyang binatilyong estudyante matapos umano siyang molestiyahin sa loob ng school campus, sa Ermita, Maynila, sa ulat kahapon.
Kasalukuyang pinipigil sa Manila Police District-Integrated Jail ang suspect na si John Christian Espinola, 25, Social Studies teacher, bunga ng reklamong idinulog ng biktimang itinago sa pangalang “Boy”, 15, 4th year high school ng nasabing paaralan.
Sa ulat ni PO3 Ronald Carlos ng MPD-General Assignment Section (GAS) dakong alas-9 ng gabi kamakalawa nang maganap ang umano’y pang-aabuso sa biktima, sa loob ng Student Affairs Office ng SIC, sa Taft Ave., Ermita, Manila.
Sa salaysay ng biktima, may pagdiriwang umano ng gabing iyon sa paaralan at siya ay isa sa ushers. Nagtungo umano sa comfort room ang biktima na sinundan naman ng suspect na guro at niyaya ng huli ang una sa Student Affairs Office at doon umano nagawang hawakan ng guro ang ari ng biktima at saka isinubo.
Dahil sa pangyayari, rumesponde ang pulisya at inaresto ang suspect, dakong 1:30 kahapon ng madaling-araw, sa tapat ng gate ng SIC. Mariin namang itinanggi ng suspect ang akusasyon. Nakatakda namang sampahan ng kaso ang naturang guro. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending