Tinatayang umaabot sa mahigit sa P1 milyong halaga ng pera at mahahalagang gamit ang tinangay ng mga hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang na magka hiwalay na nanloob sa bahay ng dalawang negosyante kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Halos magkasabay na dumulog sa Pasig City Police station ang mga biktimang nakilalang sina Susan Laameno, 39, ng Brgy. Pinagbuhatan at Janet Cabrera, 36, ng Dr. Sixto Antonio Ave, Brgy. Caniogan, kapwa ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon ng matuklasan ni Laameno ang pagkawala ng kanyang pera na nagkakahalaga ng P428,000,00 cash; iba’t ibang uri ng mamahaling alahas at kagamitan na nagkakahalaga ng P71,000.
Samantala, dakong alas-8:30 ng gabi naman ng matuklasan ni Cabrera na nawawala ang kanyang mga mahahalagang gamit gaya ng 2 laptop/digital camera; mga mamahalin at iba’t ibang klase ng alahas na umabot sa may kalahating milyon piso ang halaga.
Samantal pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang suspek na sina Salumer Tipay at Tyron Menor, kapwa residente ng Brgy. Pinagbuhatan ng nasabing lungsod matapos na ituro ng isang saksi na siyang nanloob sa bahay ng unang biktima. Patuloy ang ginagawang imbestigasyon para sa agarang paglutas ng dalawang kaso. (Edwin Balasa)