^

Metro

2 trader nadale ng 'Akyat-bahay' gang

-

Tinatayang umaabot sa mahigit sa P1 milyong halaga ng pera at mahahalagang gamit ang tinangay ng mga hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang na magka­ hiwalay na nanloob sa bahay ng dalawang negosyante kama­kalawa ng hapon sa Pasig City.       

Halos magkasabay na dumulog sa Pasig City Police station ang mga biktimang nakilalang sina Susan Laameno, 39, ng Brgy. Pinagbuhatan at   Janet Cabrera, 36, ng Dr. Sixto Antonio Ave, Brgy. Caniogan, kapwa ng nasabing lungsod.        

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon ng matuklasan ni Laameno ang pagkawala ng kanyang pera na nagkakahalaga ng P428,000,00 cash; iba’t ibang uri ng mama­haling alahas at kagamitan na nagkakahalaga ng P71,000.       

Samantala, dakong alas-8:30 ng gabi naman ng matukla­san ni Cabrera na nawawala ang kanyang mga mahahalagang gamit gaya ng 2 laptop/digital camera; mga mamahalin at iba’t ibang klase ng alahas na umabot sa may kalahating milyon piso ang halaga.

Samantal pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang suspek na sina Salumer Tipay at Tyron Menor, kapwa resi­dente ng Brgy. Pinagbuhatan ng nasabing lungsod ma­tapos na ituro ng isang saksi na siyang nanloob sa bahay ng unang biktima. Patuloy ang ginagawang imbestigasyon para sa agarang paglutas ng dalawang kaso. (Edwin Balasa)

AKYAT-BAHAY GANG

BRGY

DR. SIXTO ANTONIO AVE

EDWIN BALASA

JANET CABRERA

LAAMENO

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

PINAGBUHATAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with