ROTC sa 2 kolehiyo sa Maynila, mandatory na
Ibinalik na ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang in-abolished na Reserved Officers Training Corps (ROTC) sa dalawang kolehiyo na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ng Maynila kung saan magiging bahagi na uli ito ng kurso sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at City Colleges of Manila (CCM).
Ang malaking pagbabagong ito sa kurikulum sa dalawang paaralan ay ginawa ni Lim makaraang mapag-alaman at ikadismaya nito ang kakaunting estudyante sa kolehiyo na nagpapatala para sa ROTC.
Base sa tala na isinumite ni Lt. Col. Tranquilino Belardo, Philippine Army and CCM-ROTC Commandant, mayroon lamang 974 na nagparehistro sa ROTC mula sa 3, 020 freshmen enrolees sa CCM.
Binigyan- diin ni Lim na dapat na matimo sa isipan ng mga mag-aaral mula sa PLM at CCM ang kahalagahan ng military discipline and training at ang magandang epekto nito sa kanilang kinabukasan.
“They should follow what the city requires of them. That is to take up mandatory military training service. They should follow what the city requires of them. That is to take up mandatory military training service,” adding that stu dents of CCM and PLM are city scholars and do not pay tuition or miscellaneous fees, dagdag pa ng Mayor.
Samantala tiniyak naman ni Lim na ang mga nasa sophomore, junior at senior year na ay wala pa ring lusot dahil kailangan pa rin nilang kumuha ng ROTC training o MTSI 1 and 2 (Military Service Training). (Doris Franche)
- Latest
- Trending