22-anyos sinumpak dahil sa manok

Isang 21-anyos na lalaki ang pinaghahanap ngayon ng pulisya sa pagpatay sa kanyang kapitbahay matapos siyang paratangang nagnakaw ng manok, sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Patay na nang idating sa Gat Andres Bonifacio Hos­pital ang biktimang si Richard Caralipio, 22, may-asawa ng 57 Area H, Gate 62, Parola Compound, Binondo, Manila sanhi ng tama ng bala mula sa sumpak na ginamit ng suspect na si Rene Rio, alyas “Bisak”, 21, kapitbahay ng biktima, na tumakas matapos ang insi­dente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas- 6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Area H, Gate 62, Parola Compound. Nabatid na kasalukuyang nakikipag-inuman ang bik­tima nang sumulpot ang armadong suspect at binaril ito.

Nabatid na ikinagalit ng suspect ang pagbibintang ng biktima kaya pinaghandaan niya itong komprontahin hanggang sa mapatay. (Ludy Bermudo)

Show comments