Resto owner kinatay ng kostumer

Sinaksak hanggang sa mapatay ang isang res­taurant owner ng isang grupo ng kanyang mga kostumer dahil lamang umano sa masamang tingin, kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila.

Patay na nang idating sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Rodolfo Ledesma 53, may-ari ng Kambingan Res­taurant na matatag­puan sa Del Pan St., Binondo, Manila bunga ng tinamong saksak sa ka­tawan.

Mabilis namang tuma­kas ang grupo ng suspect na kinabibilangan ng apat na lalaki.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang

insidente sa loob ng Kambingan Restaurant, sa Binondo, Maynila.

Nabatid na isang hindi nakilalang kostumer ang nagreklamo sa biktima hinggil sa masamang ti­ngin ng grupo ng suspect. Sa halip na sitahin ng biktima, inobserbahan niya muna ang mga galaw ng grupo.

Minasama agad ng grupo ng suspect ang pagmamatyag ng biktima at siya naman ang ki­nompronta ng isa sa mga ito sa pagsasabing “Ang sama mong makatingin, Ano ang problema mo”, kasunod umano ang pa­nanaksak .

Mabilis umanong iki­nasa ng biktima ang ka­libre .45 baril subalit dahil sa tinamong saksak ay hindi niya ito na­iputok. Nagawa pang ta­ngayin ng grupo ng sus­pect ang baril ng biktima bago tulu­yang tumakas. (Ludy Bermudo)

Show comments