^

Metro

Nilarong Pen Gun pumutok: 16-anyos todas sa 14-anyos

- Danilo Garcia -

Maagang nasawi ang isang 16-anyos na bina­tilyo makaraang aksidente umanong tamaan ng bala   ng pen gun na nilalaro ng kan­yang kapitbahay kama­kalawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa General Malvar Hospital ang biktima na si Ralph Ronald Mamos, estudyante at residente ng Gumamela St., Brgy. Holy Spirit, ng naturang lung­sod. Nagtamo ito ng tama ng bala sa tagilirang ba­hagi ng katawan na lumu­sot sa baga nito.

Nadakip naman ng mga awtoridad ang 14-anyos na suspect na    iti­nago ang pangalan dahil sa pagiging menor-de-edad rin nito.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detec­tion Unit, dakong alas -10:15 ng gabi nang maga­nap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid na kumakain ang biktima kasama ang pamilya nito nang biglang makarinig ng isang putok. Nagulat na lamang ang mga kapamilya nito nang biglang natumba ang biktima sanhi ng tama ng bala sa tagiliran.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad nakita nila ang point of entry ng bala ay galing sa kabilang bahay. 

Nabatid na pinagla­laruan ng suspek ang pen gun nang aksidente itong pumutok at tumagos sa kahoy na dingding ng dalawang bahay hang­gang sa tamaan ang biktima. 

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng De­partment of Social Welfare and Development (DWSD) ang suspek.

vuukle comment

GENERAL MALVAR HOSPITAL

GUMAMELA ST.

HOLY SPIRIT

NABATID

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETEC

RALPH RONALD MAMOS

SHY

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with