^

Metro

Binata na nag-suicide hindi iniwan ng nobya

-

Itinanggi kahapon ng tiyo ng nagpakamatay na 18-anyos na binata ang unang lumabas na balita na iniwan ng nobya ang kanyang pa­mang­kin kaya ito nagpaka­matay.

Kahapon, nagtungo sa tang­gapan ng PSN si Ber­nardo Quijano, 37, at itinanggi ang ulat na kaya nagawang magpa­ka­matay ng kanyang pamangkin na si Roberto Quijano ay dahil sa pag-iwan dito ng nobya.

Nilinaw nito na hindi nag­hihiwalay ang magkasintahan kasabay ng pagsasabing wala pang malinaw na dahilan o naki­­kitang motibo kung bakit nagpatiwakal ang kanyang pa­mangkin sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner.

Sinabi ni Bernardo na ta­nging ang kanyang pangalan lamang at relasyon sa na­sawing si Robert ang sinabi niya sa imbestigador at wala siyang sina­sabing anumang dahilan ng pagpapaka­matay nito dahil talagang hindi nila alam. Ta­nging naalala ni Ber­nardo ay isang araw bago mag­paka­matay ang kanyang pamangkin ay napansin na niyang ma­lungkot ito.

vuukle comment

BER

BERNARDO

KAHAPON

KANYANG

MATAY

NILINAW

QUIJANO

ROBERTO QUIJANO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with