^

Metro

Opisyal ng BFP arestado sa kotong

- Edwin Balasa -

Arestado ang isang ma­taas na opisyal ng Bureau of Fire and Protection (BFP) ng lungsod ng San Juan ma­tapos na ma­aktuhang tuma­tanggap ng pera sa isina­gawang entrapment operation kamakalawa ng gabi sa na­sabing bayan.

Kasong robbery extortion ang kinakaharap ngayon ng suspek na si Insp. Chandler Arcadio matapos na makuha dito ang halagang P5,000 marked money na ibinigay ng biktimang si Amy Aguilar sa inilatag na entrapment opera­tion ng mga tauhan ng Na­tional Bureau of Investigation (NBI).

Base sa ulat ng pulisya, nag-ugat ang nasabing pa­ngingikil matapos na ma­sunog ang tin­dahan ng bik­tima na mata­tagpuan sa San Perfecto sa nasabing lungsod noong Set­yembre 23.

Agad namang kumuha ng certification sa BFP si Aguilar para makuha ang insurance claim nito na nagkakahalaga ng kalahating milyon sa na­sunog na tindahan subalit laking gulat nito nang ma­kitang may tatak na “not for insurance claim” ang naka­tatak sa kanyang doku­mento kaya agad na ibinalik ito ng una sa suspek kung saan sinabi nito na magbigay umano siya ng halagang P5,000 para maayos iyon.

Nang malaman umano ni Arcadio na kalahating milyong piso ang makukuhang in­surance claim ng biktima ay iti­naas pa nito sa halagang P50,000 ang hinihingi sa biktima para umano mapadali ang proseso ng claim sa insurance.

Pumayag naman ang bik­tima subalit lingid sa kaala­man ng suspek ay nakipag- ugnayan ito sa mga tauhan ng NBI at doon isinagawa ang entrap­ment operation kama­kalawa ng gabi kung saan ibinigay ng una sa suspek ang downpayment na P5,000 na marked money.

Mariin namang itinanggi ng suspek na kinikilan niya ang biktima at depensa nito na si Aguilar pa umano ang nag­tangkang manuhol sa kanya para mapadali ang pag-ayos ng mga dokumento.

AGUILAR

AMY AGUILAR

ARCADIO

ARESTADO

BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

BUREAU OF INVESTIGATION

CHANDLER ARCADIO

SAN JUAN

SAN PERFECTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with